Tuesday, December 9, 2008

PS


Start from the oldest post then proceed to the next and so on..


Thanks for viewing my autobiography..


This is the Gospel according to you, me and Ely...

<6192>

OVERDRIVE



alam mo mayron akong pangarap sa buhay
sana matupad na


Sa hinaba haba ng blog ko, nasagot ko ba kung sino ako?


Sino nga ba ako?


Ako, simpleng tao. May pangarap sa buhay. May responsibilidad sa lipunan.


magda-drive ako hanggang Baguio
magda-drive ako hanggang Bicol
magda-drive ako hanggang Batangas
tapos magswi-swimming d'on sa beach


Sino ako?


Ako, mabuting anak at kapatid, pero masamang kaaway.


isasama ko ang girlfriend ko
isasama ko kahit sinong may gusto
kahit may kasama siyang aso
basta't meron siyang dalang sariling buto


Sino ako?


Ako, hinubog ng lipunan, humubog sa lipunan.


magdadala ako ng pagkain

burger fries tapsilog at siopao

magda-drive ako hanggang Visayas
magda-drive ako hanggang sa Mindanao


Sino ako?


Ako si Gerard Robin De Guzman De Padua, ipinanganak sa Pampanga noong Setyembre 11, 1989.


Ako ay isang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumukuha ng Batsilyer sa Matematika.
Italic

magda-drive ako buong taon

magda-drive ako habang buhay
magda-drive ako hanggang buwan
please please lang turuan nyo
akong magdrive


Ako, produktibong tao, matalino, may prinsipyo.


gusto kong matutong magdrive
(kahit na wala akong kotse)



Ako, produkto ng bansa ko.

SEMBREAK at ang orgmates




Some people go to priests; others to poetry; I to my friends. ~Virginia Woolf


Ang UP life ko ay hindi kumpleto kung wala ang organization na ito. UP Aguman. Grupo ng mga Capampangan.

dear kim kamustang bakasyon mo
ako heto pa rin nababato
bad trip talagan t'tong Meralco
bakit brownout pa rin dito


Wala akong dugong Capampangan. Si mama, ilocana. Si papa, zambal. Pero ako, capampangan.


walang silbi sa bahay
kundi bumabad sa telepono
o kaya'y kasama ng barkada
nakatambay sa may kanto


Itinuring ko ng adopted son ako ng Pampanga. Sa 19 na taong inilagi ko doon, malamang matututo talaga ako ng capampangan. Kaya naman napabilang ako sa UP Aguman.


naalala kita pag umuulan SEMBREAK
naalala kita pag giniginaw SEMBREAK
naalala kita ilang bukas pa ba
bago tayo ay magkita
ako'y naiinip na bawa't oras binibilang
sabik na masilayan ka


Masaya maging Agumem. Madaming perks dahil mahirap yung pinagdaanan nung application process. Pero kapag member ka na, ayos na lahat. Ikaw na ang hari o reyna ng tambayan nun.


sira pa rin ang bisikleta
may gas wala namang kotse
naghihintay ng ulan
basketball sa banyo


Pero bakit naging malapit ako sa mga agumems? Bukod sa masaya silang kasama, matino silang makitungo. Tapat sila sa yo at alam nila kung saan sila lulugar. May tiwala sila sayo at naniniwala na kaya mong maging productive.

sana ay may pasok na para at least
mero'n ng baon
cutting classes dating raket
rock and roll buong taon


Madalas kong kasama ang mga agumems. Kahit sembreak, sila kasama ko. Madami kaming activities na pinagsasamahan. Pautakan, Sining, ACLE, CEER at iba pa.


walang kayakap kundi gitara
nangangati sa kaiisip sa 'yo
hanggang sa mabutas 'tong maong ko
tsaka bibili uli ng bago


Naging officer na rin ako sa aguman. Naging project head at committee head. Na meet na rin namin ang mga alumni ng org.


hanggang dito na lang ang liham ko
salamat sa atensyon mo
tsaka na lang pala ang utang ko
pag nakagkita na lang uli tayo


Masaya ang college life ko dahil sa Aguman. Di nila ako itinuring na iba. Kahit di ako dugong Capampangan, mananatili pa rin akong Capampangan buong buhay ko.

MINSAN - kamalayan at kalayaan


"When the world tries to be outstanding,
we are the standards"


Noong nasa 4th year ako, inisip ko na kung saan ako mag aaral - UP, Ateneo, UST. Pumasa ako sa tatlong yan, 2 diyan full scholar pa ko pero tumuloy ako sa naiba.


Obviously, pinili ko ang UP. Di ko alam kung tama pero di ko pinagsisihan na nandito ako ngayon. Pero, ano ba ang naging epekto ng UP sa akin?


minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
sa ilalim ng iisang bubong
mga sekretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo


Dahil sa UP, natuto akong maging madasalin. Ipinagdadasal ko na walang pasok, walang prof , o kaya may walk out. Kung mababasa ng math prof ko ito, isa siya sa mga ipinagdasal ko ng mabuti. Alam niya na kung bakit.


Dahil sa UP, natuto akong maging independent lalo. Musta naman pag enrollment, san ka mag dedepende, sa CRS? Asa pa. Di na rin ako gahaman sa pagpapakopya at pangongopya.



ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan


Dahil sa UP, natutunan ko na may mas mahalaga pa kaysa sa grades. Hindi nasusukat ang natutunan ng tao sa mga gradong ibinibigay sa yo. Bagkus, isa lamang itong repleksyon ng iyong natutunan batay sa standards ng prof mo.


Dahil sa UP, ang kape nagiging juice na. Ang pagkain ay essential. At ang tambayan ay ang sagot sa pagkainip.



minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan
mga tiyan nati'y walang laman
ngunit kahit na walang pera
ang bawat gabi'y anong saya


Dahil sa UP, ang math naging mahirap. Di naman ganito yung math dati. Nag evolve na pala siya.


Dahil sa UP, natutunan ko na ang pagtulog ng 4 hours ay isang luxury. Lagi akong puyat.


Dahil sa UP, naging bukas ang kaisipan ko sa lahat ng mga nangyayari sa bagay bagay. GUsto kong mag rally minsan pero patay ako sa papa ko pag nagkataon.


minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon

Dahil sa UP, nalaman ko na totoong may paddle at hazing, maraming naeengganyo pero hindi ako. Tatay ko na lang daw papalo sa kin.


Dahil sa UP, natutunan kong di lang ako ang naghihirap para pumasa. Lahat pala.


di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
ngunit kung sakaling mapadaan baka
ikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan


Dahil sa UP, nag bago ang tingin ko sa Pilipinas. Nagbago ang tingin ko sa lipunan. Nagbago ang tingin ko sa sarili ko.





Monday, December 8, 2008

those were the FINE TIMEs





Why should society feel responsible only for the education of children, and not for the education of all adults of every age?
~Erich Fromm



Sa lahat ng pinagdaanan ko, ang high school ang pinakapaborito ko. Ang daming nangyaring maganda. Ang daming itinuro sa kin. Ang daming kong ginawa na akala ko, di ko kaya.


I hope we could spend more time together
A few hours is better than never
If we could only make it longer
A whole day would be fine
A whole day would be fine
A whole day would be fine
A whole day would be fine


Noong 1st year ako sa Special Science Class, natuto akong uminom. Kasama ko mga kabarkada ko noon. San Mig tsaka Red Horse yung iniinom pero sobrang walang gustong tumoma. Kaya ako na lang yung bumida, at dahil doon, nalasing ako agad at di na muling uminom ulit, nung year na yun.


I think it's time to clean your car
I'm not home if someone calls
We could go out for a day
We could sing some songs we hate


Noong una, wala ako masyadong kabarkada sa HS. Yung mga kaklase ko nung elementary, sa ibang school nag enroll. Yung unang bestfriend ko sa elem, iniwan ako at pumunta na ng US. Nag start ako ulit sa wala. Naging sobrang seryoso na ulit ako sa pag aaral, umuuwi ng maaga, gumagawa ng project. Pero wala akong kasama. Pero di rin naman nagtagal, nakilala ko sila Mike at April.


Why not swim in someone's pool
Jump a crane 12 storeys high
Have a picnic in my room
Sit outside and watch the moon


Si April, kasama kong under training sa badminton varsity. Naging friends kami agad dahil sa sports. Si Mike, nakilala ko na lang nung field trip na. October na siguro nun. Pero ok lang, naging instant friends kami agad. Mahilig kaming kumantang tatlo. Mahilig din kaming kumain. Sobrang close kami noon, e pare parehong may kaya sa buhay kaya inisip nila na kaming tatlo yung mga spoiled brats. Pero di naman, makulit lang talaga kami. Pero kahit may barkada, di ko inaasahan na nasa top pa rin ako ng class ko. Pero may natutunan ba ko?



We could drive in to the malls
Or stay home and watch TV
I don't care if we don't have lunch
Just as long as we have iced tea



Noong 2nd year, nalipat ng section si April kaya naiwan na kami ni Mike. Si Mike, parang kuya ko dahil ahead siya ng 1 year. Siya yung kuya na gusto kong maging kuya. Ang gulo. Pero yun, sobrang close kami. Kilala namin yung pamilya ng isa't isa, madalas akong nasa kanila. Nag oovernight rin ako sa kanila. Dahil sa sobrang close namin, iba na yung iniisip ng ibang tao sa amin. Pero di naman nagbago yung tingin namin sa isa't isa. Bestfriends for life pa rin. Haha. Lagi ko siyang kasama pag break time para dalawin si April. Dahil doon, naextend na yung barkadahan namin. Dumami na kami, 13 ata kami noon. Pero still, di ko pa rin napabayaan yung pag aaral ko. Highlight ng 2nd year ko yung Digital LG Challenge nina Paolo Bediones at Regine Tolentino. Bwisit nga kasi muntik na kong manalo dun, pero nag kamali ako sa logic question na who is your aunt's mother only grandchild! Pero ayos lang yun. Pero may natutunan ba ko?


I could take you to a film
Hunt for books and magazines
Is that new song out on sale
I think that dress is kinda pale


Noong 3rd year ako, nalipat ako ng barkada, dahil nakaaway ko yung mga kabarkada ko dati. Noong year na ring ito, naging sobrang saklap dahil di ko na rin nakaklase si Mike. Nahilig na rin ako sa music noon, uso ang banda kaya member ako ng school band noon. Ewan ko ba, di naman ako magaling kumanta. Haha. Maraming nangyaring maganda dahil naging competitive ulit ako. Halos lahat ng best sa mga subjects nakuha ko - Trigo, Chem, Val. Ed., Social Stud, Statistics. Naging member ako ng academic team. Nalibot ko ang boung region 3. Masaya, pero malungkot din dahil may mag nakaaway nga ako. Pero may natutunan ba ko?



There are times when we disagree
My heart sings to the sea
I'm always anxious when we kiss on me
Please don't tire of understanding me


Noong 4th year, ok na lahat. Yun nga lang, labasan na talaga ng totoong kulay ang laban. Tipong grade conscious na lahat. Pero ok lang, masaya pa rin. Naging sobrang close yung section namin noon. Masaya pero kulang minsan. Madalas kaming awayin ng mga teachers. Sobrang nasabon kami sa principal namin. Pressure sa akin dahil ako na yung team captain ng academic team. Ang gulo. Pero may natutunan ba ko?


Being with you makes me feel so safe
I don't care if we go out of town
I don't care if we sleep all day
Basta't kayakap ka ay okey


Ano nga ba mga natutunan ko? Natuto akong maging dependent sa sarili, maging responsible, maging team player, maging friendly, maging outspoken, maging outgoing na rin dahil laging umaattend ng mga concerts, maging reliable, flexible, mag organize ng oras, maging efficient, maging maayos at higit sa lahat, maging madasalin.


A whole week would be fine
A whole month would be fine
A whole year would be fine
A decade would fine
A century would be fine
Fine, fine time (4x)
Forever would be fine.


Marami akong natutunan sa mga nakasama ko nung high school. May natutunan kaya sila sa akin?

FRUITCAKES are for kids



As long as there are tests, there will be prayer in schools. ~Author Unknown



Graduation picture ko to nung elementary days. Wala na kasi akong makitang picture ng mga kaklase ko nung elem e. Pero meron pala kaso corny naman.


Nag aral kaming lahat na magkakapatid sa Mababang Paaralan ng Talimundok sa may Dau, Mabalacat, Pampanga. Naalala niyo ba na si mama galing ng Ilocos, si papa, galing ng zambales pero tumira kami sa pampanga? Di niyo napansin? Nadestino kasi si papa doon kaya dun kami pinag aral.


Noong elementary kami, natutunan kong legal pala na utusan ako ng mga teachers ko at kung hindi, papagalitan ako. Kaya siguro hanggang ngayon, pag inuutusan ako ng nanay ko, takot akong mapagalitan pag di ko sinunod.


There's a fruitcake for everybody
There's a fruitcake for everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun


Noong elementary, puwede mong gawin lahat ng trip mo, yun nga lang hindi ka dapat mahuli nung teacher mo. Minsan nahuli akong kumakain kahit di pa recess, ang ginawa ng teacher ko, di ako pinakain noong time na talaga ng recess. Power trip ang sigaw ko sana noon kaso palo naman ang katapat noon.


Take a bite
It's alright
There's some brandy and star margarine
to make it bright


Noong elementary ako, Grade 1 ata, ultimate sin siguro na hindi magbilang. Parang yun na yung sagot sa lahat ng problema sa mundo. Dahil doon, natuto akong paglaruan ang mga numbers. Di ko alam pero unti unti akong nahilig sa math noon. Pero dito rin nung time na to, natuto akong maging competitive. Sumasali ako sa mga contests kalaban ang ibang mga elementary schools. Maraming contests yun kaya madalas parang VIP ka habang nag rereview. Nananalo naman ako nun, kaso nung unang natalo ako, pinaiyak talaga ako nung teacher ko. Ewan ko ba, binura ko lang naman lahat ng mga answers ko dahil sunud sunod yung letter B sa answers. Kaya yun, natalo ako.


Take a bite
It's alright
A little lovin' and some fruit to bake
Life is a piece of cake


Madali pa noon yung buhay, ayaw na ayaw kong matulog pagkagaling sa school. Tinatakot pa ko para matulog lang. Pero ngayong pagtanda ko, naisip ko, sayang lahat yung time na di ako natulog. Siyempre, lagi na lang akong puyat ngayon. Madali pa lahat nun, pero simula nung bata pa ko, di na talaga ako nag papaturo sa mga assignments ko, parang weird kasi na magpatulong pa e alam mo naman sa sarili mo na kayang kaya mo diba?



It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
If the reason for being happy
Takes a backseat when the season's done



Noong medyo Grade 3 na ata ko, nagkaroon na ko ng konsepto ng barkada. Tipong grupo kami na pag may group projects, grupo kami pag maglalaro. Dahil doon nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Marami akong ka share ng baon, kakopyahan ng homework, kadaldalan pag beak time. Tsaka di ka nila isusulat pag noisy ka kasi friends kayo, diba? haha. Pero kung may mga kaibigan ka, madalas may kaaway ka na rin. Sila yung nasa kabilang dulo ng room, yung mga inaayawan niyong kasama. Sila yung tipong bawal kayong magkalapitan, magkalaban pag sports fest, magkaaway pag napapagalitan.



Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers
giggling in sheer delight

Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake


Habang tumatanda ako sa school, lalo akong nagiging competitive. Kaya tipong lahat ng puwedeng kuhanan ng bonus points, gagawin ko kesehodang maging alila na ko ng teacher ko. Sanay na rin akong mag stay ng gabi sa school para magreview. Kasama ko naman mga kaklase ko pati mga teachers kaya ayos lang.


Everybody, everywhere people do you really care
Christmas time has once again arrived
Everybody, everywhere people do you really care
Christmas time has once again arrived

Mistletoe and a little snow
But we don't get it there at fruitcake heights
Mistletoe and a little snow
But we don't get it there at fruitcake heights



Naging maganda naman yung elementary years ko. Lalo na yung mga Christmas Parties. Yun yung di ko makakalimutan, siyempre lagi kang may bagong damit pag ganun diba? tsaka laging may regalo tsaka pagkain. Ang pangit nga lang, nung grade 2 ako, umiyak ako nung Christmas Party namin dahil kumakain na lahat ng kaklase ko, di pa dumadating yung mama ko. Kaya dahil dun, nakishare muna ako nga pagkain at yun, dumating din sa wakas si mama dala ang pagkain ko. Naisip ko nun na pag helpless times na talaga, kailangan mo ng kasama dahil di ka naman mabubuhay mag isa. Tsaka nagkaroon ako ng tiwala sa nanay ko, at least di niya ko binibitin pag ganun. Yun nga lang, lagi naman siyang late.


Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers
giggling in sheer delight

Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake


Ano nga bang mga natutunan ko nung elementary ako bukod sa acads? Ano pa nga ba yung mga elem things na hanggang ngayon ginagawa ko?


Stars are falling down from heaven
But it's nowhere near our town
Miracles are falling down from heaven
But it's nowhere near our town

There's a fruitcake in everybody
There's a fruitcake in everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun





Hanggang ngayon, nagsisimba pa rin ako sa Carmelite Chapel at nagdadasal dun pag may time ako. Tinuro sakin yan nung Grade 5 coach ko na maging madasalin lalo na pag contests na. Hanggang ngayon, nasabi na rin lang yung mga contests, naglalagay pa rin ako ng lucky charms pag special days like exams, finals, defense. Alam niyo yung coin na nilalagay sa sapatos? Lucky Pencil? Yung rosary sa bulsa? Yung scapular? Para akong walking agimat noon. Haha! Hanggang ngayon, pag dumadating ako ng bahay, tinatanggal ko muna lahat ng gamit ko saka ko ibabalik. Marami pa yan e, kaso nakakahiya talaga yung iba. Kaya wag na muna...

PARA SA MASAsayang ate ko




More than Santa Claus, your sister knows when you've been bad and good.

~Linda Sunshine



Yan ang tatlong ate ko. Sila ang mga kaaway ko sa kuwarto, sa gawaing bahay, sa pera, sa attention, sa telepono, sa internet, sa gamit, sa higaan, sa TV, sa radio, at sa pagkain. Nung bata ako, madalas nila akong pagtulungan. Siyempre, only boy ako, tapos bunso pa, kaya wala silang laban sa akin pag nag sumbong na ko. haha. Selos lang nila sa akin.


Pero siyempre di naman lahat ng memories namin pangit. Madalas din naman kaming magkakasama. Iba iba nga lang talaga ng trip kaya nga expression namin sa bahay na walang basagan ng trip.



ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa



Ang panganay sa bahay, si Ate Gianne, 25. Jeruby Anne De Padua buong pangalan niya, Je galing sa palayaw ni mama na Jerry, Ruby yung name ni mama kaya naging jeruby. Kung may medyo pasaway talaga sa pamilya, siya na yun. Siyempre blog ko to kaya di pwedeng ako. Pareho kami ng pinasukang elementary, high school niya sa Mary Help of Christians School, college niya sa Adamson University, BS Computer Engg. Madalas kasi siya yung sumisira ng trip ng lahat. Sobrang insensitive. Pero nung pumasok na siya sa air force, umayos na siya kahit papano. Air Force na rin siya tulad ni papa. Wala siyang syota, baka nga maunahan ko pang siyang mag asawa.



Kung may natutunan man ako kay ate, yun ay yung wag masyadong magpapa alipin sa sinasabi ng iba, totoo na what others say matters pero di naman lahat ng sasabihin nila tungkol sa iyo e yun ka na. Naniwala na rin ako sa powers ng dedma dahil sa kanya. Wala kasi siyang pakialam kung ano sabihin ng ibang tao sa kanya. Matapang kasi siya. Di katulad ko. Dami niyang napag daanan. Malamang kung ako yun, wala na ko sa mundo.


naaalala niyo pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya

ilang taon na rin ang lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang



Ang susunod naman, si Ate Inez, 23, siya yung nakabrown na polo shirt. Caridad Inez De Padua. Malas niya dahil ganyan ang pangalan niya. Haha. Pero suwerte siya dahil paborito siya ng mga matatanda sa both sides ng parents namin. Malambing kasi, tsaka maganda daw. Haha. Pareho kami ng pinasukan nung elementary, Mary Help rin siya nung high school, at St. Paul University-Manila nung College, BS Psych. Siya yung pinala mabait para sa akin. Mabait naman talaga pag meron siya.



Siya rin yung pinaka may topak. Sobrang pikon at sensitive din. Ayaw niyang napapagalitan. Pero di katulad ng childish naming panganay, siya naman, may sense of responsibility. Yun ung natutunan ko sa kanya. Di rin siya madamot, kung anong meron siya, ibibigay niya. Ganun siya kabait sa amin.


mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo
pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang sumama


At lastly, si Ate Jika, 20, Jerika Gayna De Padua. Siya naman ang pinakamaraming jokes sa bahay. Makulit pero masipag. Daddy's girl siya, kung ano yung gusto niya nakukuha niya. Ako ang pinaka kaaway niya, magkasunod kasi kami e. Pareho kami g pinasukang elementary school, nung high school, pareho din kaming galing sa Special Science Class, kaya nga lagi kaming sabay pumasok sa school kahit lagi siyang late. Ngayon, graduating siya ng BS Nursing sa Angeles University Foundation.


Siya lang yung nag aral sa Pampanga ng college, mabarkada kasi siya kaya ayaw nilang isabak sa Manila. Kaya ngayon, lahat ng perks ng bahay, sa kanya napupunta. Pinagseselosan ko siya madalas. Alam kong ganun din siya sa akin. Wala kong natutunan sa kanya bukod sa mga jokes niya. Joke! Haha! Siya kasi yung pinaka mapagkakatiwalaan mo pag may sikreto ka, di siya mag susumbong kahit kanino pa. Madami din kaming pinag daanan ng magkasama, lalo na nasa isang HS lang kami. Di nga alam ng mga teachers namin na mag kapatid kami hanggant di pa ko umabot ng 2nd year.



ito ay para sa mga masa
sa lahat ng binaon ng sistema
sa lahat ng aming nakabarkada
sa lahat ng mahilig sa labsong at drama
sa lahat ng di marunong bumasa
sa lahat ng may problema sa skwela
sa lahat ng fans ni sharon cuneta
sa lahat ng may problema sa pera
sa lahat ng masa

huwag mong hayaang ganito
bigyan ang sarili ng respeto



Habang lumalaki ako sa piling ng tatlo kong ate, mas naapreciate ko yung role ng mga babae. Mas napahalagahan ko sila, kaya nga wala akong relationship na hindi serious. Ayokong mangyari sa kanila yung lokohin kung manloloko ako. Masaya silang kasama, yun nga lang naghahanap rin naman ako ng kuya o kapatid. Wala akong nahihiraman ng damit at mga gamit. Wala akong kasama pag umiinom at wala akong sasabihan pag problema sa babae. Pero nonetheless, di ko naman kayang ipagpalit tong tatlong ate ko. Kundi rin dahil sa kanila, di ako ganito.