" Tell me who you're friends are,
and I'll tell you who my friends are!"
- "Ang Tanging Ina Niyong Lahat"
and I'll tell you who my friends are!"
- "Ang Tanging Ina Niyong Lahat"
Sa totoo lang, nahirapan akong gumawa ng isang journal tungkol sa sarili kong buhay. Mahirap dahil di ko alam kung ano nga ba ang naging buhay ko pagkatapos ng labingsiyam na taon. Di ko alam dahil naniniwala ako na ang paggawa ng isang pagpapakilala sa sarili mo ay laging one-way dahil isinasalaysay mo ang buhay mo ayon na rin sa kung paano mo ito nakkikita.
Pero bukod sa dahilang iyon na trip ko lang sabihin (sa totoo gusto ko lang maiba ang blog ko kahit papano!), naniniwala ako na ang tao ay maaari mo ring makilala sa pamamagitanng mga taong nakapaligid sa kanya. Sabi nga nila, ang iyong kapwa ay isang repleksyon sa kung ano ang nakikita mo sa iyong sarili. Totoo ito, dahil di ka naman sasama sa mga taong ayaw mo diba?
Hanggang sa dulo ng mundo
Hanggang maubos ang ubo
Hanggang gumulong ang luha
Hanggang mahulog ang tala
Ano nga ba ang naging buhay ko sa loob ng 19 na taon? Ano nga ba lahat ng mga napagdaanan ko para mahubog ako sa kung ano ako ngayon? Sino nga ba ako sa tingin ng mga taong nakasama ko sa aking buhay?
Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya
Hindi mo na kailangan humanap ng iba
Kalimutan lang muna
Ang lahat ng problema
Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
Handa na bang gumala
Sa mga susunod na mga posts, sisikapin kong ipapakita ko kung sino ako, sa tingin ko at sa tingin ng iba. Hindi ko itatago lahat ng mga bagay na palagay kong nakakahiya at lalong lalo na ang mga problemang aking nadama.
Ang daming bawal sa mundo
Sinasakal nila tayo
Buksan ang puso at isipan
Paliparin ang kamalayan
Sa dami ng mga standards na ating sinusunod sa ating lipunan, makikilala ko pa kaya ang sarili ko? Lahat ba ng ginawa at ginagawa ko ay laging inaayon ko sa lipunan? Kung titignan nating sa mas malaking larawan, bakit maraming problema? Kasalanan ba natin na magkaroon ng individual differences? O kasalanan natin na sadayang ayaw nating makinig sa ting kamalayan?
Masdan mo ang aking mata'
Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama ?
Halina sa aking alapaap, sumama at magbasa.
Gisingin ang kamalayan, makinig nang ika'y mapakinggan...
No comments:
Post a Comment