Monday, December 8, 2008

SUPERPROXY ako ni papa



There are three stages of a man's life: He believes in Santa Claus, he doesn't believe in Santa Claus, he is Santa Claus. ~Author Unknown


Kung mama's boy ako, malamang iniisip niyo na di kami close ng tatay ko. Haha! Hindi naman totoo yun. Pero noong bata pa ko medyo totoo yun.


Military man si papa, air force. Gerardo Acierto De Padua, sa kanya ko nakuha yung name kong gerard, obviously. Pareho pa nga kami ng nickname dati e - Gboy. Siyempre dahil tumatanda na ko, at gaya ng lahat ng mga binatang nagpapaporma, nag palit na ko ng nickname. Si papa, tubong Botolan, Zambales. Dun siya tumira at lumaki bago siya pumasok sa air force.


Sabi niya, di daw sila masyadong close sa family nila, kaya nga daw napasok siya sa air force nung may nagyaya sa kanynag pinsan nila. Naisip ko nun, kaya pala hindi masyadong affectionate si papa noong bata kami dahil di naman ganun makitungo yung parents niya. Di ko naintindihan yun nung bata ako, siyempre di naman agad sinasabi yun ng mama ko. Dahil sa mababaw pa ko nung bata ako, madalas di kami magkasundo.


Dalawa lang kaming lalaki sa pamilya namin. Tatlo kasi yung mga ate ko. Sabi nila, sobrang gusto daw ni papa na magkaroon ng anak na lalaki. Kaya nga nung lumabas daw ako, sobrang tuwa niya. Kaya nga niya binigay niya yung pangalan niya sakin.



hindi na dapat maghirap
sa iisang iglap
ang buhay ay sasarap
'wag nang mag-atubili
kumuha ng superproxy


Mahirap lang yung pamilya nila papa. Kaya nga sobrang nagsisikap siya para sa amin. Minsan nakikita namin na napapagod siya sa trabaho niya pero ok lang sa kanya basta para sa amin. Minsan naisip ko, pagtanda nila, sisiguraduhin kong di na nila kailangang mag trabaho para mabuhay. Ako na talaga ang mag aalaga sa kanila.


ako ay kaibigan
na lagi mong maasahan
umulan man o umaraw
ay nariyan 'pag kailangan mo


Alam ko noon, di ko siya naapreciate. Sa klase ng trabaho niya, lagi siyang wala, di ko siya madalas maka bonding. Sabi ko noon, ayaw kong maging katulad niya. Ngayon, baligtad na, sinisikap kong maging tulad niya.


ito ay special offer
sa mga taong katulad mo
gamitin ang iyong bulsa
para guminhawa


Ngayon na medyo nakakaluwag na kami kahit papano, alam kong gusto niyang gumastos para naman sa sarili niya. Medyo galante kasi siya sa amin kaya nga pag siya naman yung bibili ng mahal na gamit, pinapabayaan na namin tutal pera naman niya yun e.


ako ang bahala sa 'yo
ang buhay mo ay buhay ko


Malaki ang utang na loob ko sakanya. Malaki yung naitulong niya sakin. Kung hindi dahil sa kanya, malamang, wala akong sense of time, wala akong disiplina, di ako marunong ng gawaing bahay, di ko mapapahalagahan ang mga babae, di ako magiging malambing, di ako masungit pag kelangan, di ako magaling sa math, di ako mahilig sa sports, at di ako magiging masayahin tulad niya.



Dahil sa kanya, ganito ako ngayon. Yan si papa, masungit pero malambing, disciplinarian pero spoiler. Pero di ako spoiled sa kanya, takot nga ko pag galit yan e. Baka nga papag push up niya ko pag nagalit siya o kaya patakbuhin sa oval pag nag jogging kami. haha.

No comments: