Monday, December 8, 2008

FRUITCAKES are for kids



As long as there are tests, there will be prayer in schools. ~Author Unknown



Graduation picture ko to nung elementary days. Wala na kasi akong makitang picture ng mga kaklase ko nung elem e. Pero meron pala kaso corny naman.


Nag aral kaming lahat na magkakapatid sa Mababang Paaralan ng Talimundok sa may Dau, Mabalacat, Pampanga. Naalala niyo ba na si mama galing ng Ilocos, si papa, galing ng zambales pero tumira kami sa pampanga? Di niyo napansin? Nadestino kasi si papa doon kaya dun kami pinag aral.


Noong elementary kami, natutunan kong legal pala na utusan ako ng mga teachers ko at kung hindi, papagalitan ako. Kaya siguro hanggang ngayon, pag inuutusan ako ng nanay ko, takot akong mapagalitan pag di ko sinunod.


There's a fruitcake for everybody
There's a fruitcake for everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun


Noong elementary, puwede mong gawin lahat ng trip mo, yun nga lang hindi ka dapat mahuli nung teacher mo. Minsan nahuli akong kumakain kahit di pa recess, ang ginawa ng teacher ko, di ako pinakain noong time na talaga ng recess. Power trip ang sigaw ko sana noon kaso palo naman ang katapat noon.


Take a bite
It's alright
There's some brandy and star margarine
to make it bright


Noong elementary ako, Grade 1 ata, ultimate sin siguro na hindi magbilang. Parang yun na yung sagot sa lahat ng problema sa mundo. Dahil doon, natuto akong paglaruan ang mga numbers. Di ko alam pero unti unti akong nahilig sa math noon. Pero dito rin nung time na to, natuto akong maging competitive. Sumasali ako sa mga contests kalaban ang ibang mga elementary schools. Maraming contests yun kaya madalas parang VIP ka habang nag rereview. Nananalo naman ako nun, kaso nung unang natalo ako, pinaiyak talaga ako nung teacher ko. Ewan ko ba, binura ko lang naman lahat ng mga answers ko dahil sunud sunod yung letter B sa answers. Kaya yun, natalo ako.


Take a bite
It's alright
A little lovin' and some fruit to bake
Life is a piece of cake


Madali pa noon yung buhay, ayaw na ayaw kong matulog pagkagaling sa school. Tinatakot pa ko para matulog lang. Pero ngayong pagtanda ko, naisip ko, sayang lahat yung time na di ako natulog. Siyempre, lagi na lang akong puyat ngayon. Madali pa lahat nun, pero simula nung bata pa ko, di na talaga ako nag papaturo sa mga assignments ko, parang weird kasi na magpatulong pa e alam mo naman sa sarili mo na kayang kaya mo diba?



It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
If the reason for being happy
Takes a backseat when the season's done



Noong medyo Grade 3 na ata ko, nagkaroon na ko ng konsepto ng barkada. Tipong grupo kami na pag may group projects, grupo kami pag maglalaro. Dahil doon nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Marami akong ka share ng baon, kakopyahan ng homework, kadaldalan pag beak time. Tsaka di ka nila isusulat pag noisy ka kasi friends kayo, diba? haha. Pero kung may mga kaibigan ka, madalas may kaaway ka na rin. Sila yung nasa kabilang dulo ng room, yung mga inaayawan niyong kasama. Sila yung tipong bawal kayong magkalapitan, magkalaban pag sports fest, magkaaway pag napapagalitan.



Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers
giggling in sheer delight

Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake


Habang tumatanda ako sa school, lalo akong nagiging competitive. Kaya tipong lahat ng puwedeng kuhanan ng bonus points, gagawin ko kesehodang maging alila na ko ng teacher ko. Sanay na rin akong mag stay ng gabi sa school para magreview. Kasama ko naman mga kaklase ko pati mga teachers kaya ayos lang.


Everybody, everywhere people do you really care
Christmas time has once again arrived
Everybody, everywhere people do you really care
Christmas time has once again arrived

Mistletoe and a little snow
But we don't get it there at fruitcake heights
Mistletoe and a little snow
But we don't get it there at fruitcake heights



Naging maganda naman yung elementary years ko. Lalo na yung mga Christmas Parties. Yun yung di ko makakalimutan, siyempre lagi kang may bagong damit pag ganun diba? tsaka laging may regalo tsaka pagkain. Ang pangit nga lang, nung grade 2 ako, umiyak ako nung Christmas Party namin dahil kumakain na lahat ng kaklase ko, di pa dumadating yung mama ko. Kaya dahil dun, nakishare muna ako nga pagkain at yun, dumating din sa wakas si mama dala ang pagkain ko. Naisip ko nun na pag helpless times na talaga, kailangan mo ng kasama dahil di ka naman mabubuhay mag isa. Tsaka nagkaroon ako ng tiwala sa nanay ko, at least di niya ko binibitin pag ganun. Yun nga lang, lagi naman siyang late.


Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers
giggling in sheer delight

Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake


Ano nga bang mga natutunan ko nung elementary ako bukod sa acads? Ano pa nga ba yung mga elem things na hanggang ngayon ginagawa ko?


Stars are falling down from heaven
But it's nowhere near our town
Miracles are falling down from heaven
But it's nowhere near our town

There's a fruitcake in everybody
There's a fruitcake in everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun





Hanggang ngayon, nagsisimba pa rin ako sa Carmelite Chapel at nagdadasal dun pag may time ako. Tinuro sakin yan nung Grade 5 coach ko na maging madasalin lalo na pag contests na. Hanggang ngayon, nasabi na rin lang yung mga contests, naglalagay pa rin ako ng lucky charms pag special days like exams, finals, defense. Alam niyo yung coin na nilalagay sa sapatos? Lucky Pencil? Yung rosary sa bulsa? Yung scapular? Para akong walking agimat noon. Haha! Hanggang ngayon, pag dumadating ako ng bahay, tinatanggal ko muna lahat ng gamit ko saka ko ibabalik. Marami pa yan e, kaso nakakahiya talaga yung iba. Kaya wag na muna...

No comments: