Monday, December 8, 2008

WAG KANG MATAKOT, mama


Some mothers are kissing mothers and some are scolding mothers, but it is love just the same, and most mothers kiss and scold together. ~Pearl S. Buck



Kung kasalanan lang maging mama's boy, matagal na kong nakakulong. Sa dami siguro ng napagdaanan namin ni mama, malamang hanggang sa pagtanda namin, ako ang mag aalaga sa kanya.


Sa mukha pa lang, naku, sinungaling na ang magsabing ampon ako. Haha! Magkamukha kami, pero di naman masyado. Sabi ni mama, kamukha ko daw si Uncle Carlos, mas batang kapatid niya na namatay bago ako ipanganak.


Anyways, si mama, mukha lang matanda pero hindi naman talaga. 50 years old lang sila ni papa. Tubong Narvacan,Ilocos Sur si mama. Ruby Viloria De Guzman De Padua, buong pangalan niya. Kamag anak niya si Bryan Viloria, the boxer. Gaya ng mga kapatid niya, tapos siya sa college, nursing sa Arellano University. Honor student siya dati, varsitarian pa sa basketball at volleyball.


Nakuwento noon nila sa akin na dati mahilig daw si mama na umakyat sa mga puno, boyish kumbaga. Kaya nga sabi nila noon, magiging military nurse na lang daw siya. Hanggang nakilala niya si Papa and the rest is history na nga.


Si mama, mahilig magpangaral sa amin. Mas takot ako sa kanya kaysa kay papa. Madalas kasi, sinasabi talaga niya yung gusto niya, kaya sobrang negative niya talaga minsan. Naalala ko pa noon na sinadya kong iwan yung cellphone ko sa bahay para tawagan ko siya at sabihing bumaba yung rank ko. Di ko kinakayang sabihin sa kanya kung ano talagang gusto kong sabihin minsan.


Si mama, sensitive din. Madalas siya yung unang nagtatampo. Kaya nga lagi akong sumusunod sa utos niya pag alam ko ng nagagalit siya. Ayoko rin kasi siyang nadidisappoint sa akin. Bunso kasi ako e, alam kong paborito niya ko kahit papano.


Si mama, makulit din at madaldal. Ang dami niyang tsismis sa mga kapitbahay namin. Kaya nga rin natuto siyang mag kapampangan. Ang tagal namin tumira dito, mga 20 years na. Pero lately lang siyang natutong mag kapampangan. Wala na kasi siyang kausap na ilokano dahil di naman kami marunong mag ilokano. Pero still kuripot pa rin si mama dahil likas nga talaga sa kanya yun.


Wag kang matakot
Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
Di kita pababayaan kailanman


Nandito lang naman ako lagi para kay mama, lalo na pag kaaway na niya yung tatlong ate ko. Alam ko naman na lahat ng ginagawa ko ngayon para kina mama.


Wag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Wag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Wag kang matakot ah.....


Hindi ko naman silang kayang pabayaan. Sila ni papa, ang inspirasyon ko para ayusin ang sarili kong buhay. Alam kong takot kayong mag isa ni papa sa pagtanda pero hindi ko sila papabayaan.


Wag kang matakot
Dahil ang buhay ay walang katapusan
Makapangyarihan
Ang pag-ibig na hawak mo sa iyong kamay
Ikaw ang diyosa't hari ng iyong mundo
Matakot sila sa'yo


Si mama ang diyosa ng buhay namin. Gusto ko, ang mapapangasawa ko tulad ni mama. Mabait pero masungit, masayahin pero matampuhin, matatakutin pero nakakatakot din.


Si mama, nag mana ako sa kanya sa pagiging OC sa kalinisan, masalita pag may kinaiinisan, nagdadabog pag nagpapansin, mahilig kumain, mahina ang boses, madalas seryosong tumingin, mataas mangarap.


Si mama, pensiyonada ang tawag namin sa kanya. Pinapadalhan kasi ng pera ng lola namin at ng kuya niya sa US. Mayaman kasi sila, siya lang naman kasi yung ayaw sumunod agad sa US e.


Yan si mama, pag nakita mo siya at nakilala, parang ako narin yung iyong kasama.


Kung hindi dahil kay mama, malamang underachiever ako. Malamang wala akong pakialam sa mga grades ko. Mas naging conscious ako sa buhay dahil sa kanya, di ako nakukuntento sa kung ano lang ang pwede instead pinapankita niya sa amin na kelangan mag hirap para sa mga gustong makuha. Kung hindi dahil sa kanya, malamang di ako ganito, masasabi ko na talagang mama's boy ako.

No comments: